Wednesday, October 03, 2007

Gitara

Gitara

Ano bang meron kayo at ako’y nagkakaganito?
Itchura’y matino, porma minsa’y sinto!
Sa gitara nyo ako’y nahuhumaling,
Pang ilan ka na, Diyos ko, limot ko na.

Sa tuwing nakikita ka, akoy tunay mong napapasaya
Limot na ang problema, wala na ang pagkaimbyerna.
Mukha’y di maipinta, tulala nanaman ang drama.

Una’y isang piloto, sumunod si paolo.
Pangatlo’y isang beho, di pa la kme talo!
Sumunod sila mike at angelo, ngayo’y barkada na kmeng tatlo.
Di naman papahuli sina Hijo at Poco, na super kung karirin ko.
Si Hijo na kamukha ni Kristo, isa din siyang kristyano.
Si Poco, ubod ng gwapo kahit siya’y mejo loko.
Andyan din sina Martin at Alex, mga gitarista … 2 sa mga X ko!

Tunay ngang nakakatuwang isipin ang kanilang mga angking galing
Ako ngayo’y napag iisip, ano nga ba meron ang isang gitara?
Ayan na sila, start na ang banda, hanggang dito na lamang, paalam na.


30 September 2007
2139 hrs
Inspired By: pox

No comments: