Gusto ko mang limutin ka,
Mahirap kung hanggang sa panaginip ikaw ang nakakasama.
Sa pag dilat ng aking mga mata,
Ngiti mo ang nasa isip ko sinta.
Sa tuwing nakikita ka,
Wala nang ibang nais kundi ang hagkan ka.
Kailangan ko na atang lumayo para makalimot,
Sa pag ibig na langit ang inabot.
Paumanhin sa aking gagawin,
Pero kung nais mong ako'y pigilin,
Wag mag atubili pagkat ikay di lilisanin.
Hanggang kailan tayo magpapanggap,
Sa mga taong chismis lang ang hanap.
Sa sandaling nakapiling ka,
Ako'y naging masaya.
O Diyos ko dinggin ang aking panalangin,
Na siya'y ibalik sa akin.
No comments:
Post a Comment